“ Buwan ng Wika ” Tag Challenge | 5th Tag | Tricycle


(Note to all non-Filipino bloggers : All words in this post will be written in Filipino, and I will give no Translation because this Tag will give focus with the language of the country Philippines in celebration of “Buwan ng wika”.)

“ Ang hinde marunong magmahal sa sariling wika, ay higit pa sa hayop at malansang isda. ”

-Dr. Jose Rizal (pambansang bayani ng Pilipinas)

Tuwing Agosto ang BUWAN NG WIKA ay pinagdidiriwang sa Pilipinas taon taon… Kaya ang ( “BUWAN NG WIKA TAG CHALLENGE”), ay isang pag-alala sa CELEBRASYON NG KAPANGANAKAN ng WIKANG TAGALOG na ginagamit ng mga Pilipino.

Mga Patakaran :

  • Pasalamatan ang nag-anyaya sa’yo sa patimpalak na ito.
  • Gumawa ka ng kwento , mensahe at kung ano pa , naka depende sa’yo kung ito ay mahaba , o maikli, basta dapat puro TAGALOG NA WIKA lang ang gagamitin.
  • Mag-aanyaya ng mga kaibigan na PINOY, MAY DUGONG PINOY, PUSONG PINOY. Basta, marunong silang magsulat at magbasa ng WIKANG TAGALOG.

Bago ang lahat, nais kong magpa-salamat kay M, ang nag mamayari ng blog na nagngangalang Maria JPR sa pagta-tag sa’kin para sa patimpalak na ito. Ito ay isa sa aking mga karangalan para mag-sulat gamit ang sariling wika. 🙂

Tricycle

Ni Mark Anthony Santiago

Hinde ko ba alam kung bakit minsan kapag sumasakay ako sa tricycle, may kaba akong nadarama, siguro dala lang ng aking mga guni-guni at mapag-larong isipan. Siguro nga masyado lang akong nag-iisip ng kung ano-ano, kung ga’no ba kahaba ang daanang tatahakin, kung anong klaseng kalsada ba ang madadaanan, kung ano ba ang pwedeng mangayari, o kung ano ba ang pwedeng kaharapin.

Pero patuloy lang ang arangkada.

Habang patuloy ang pag-andar, wala akong ideya kung may ibang pasahero ba ang sasakay, mga pasaherong hinde ko kakilala, hinde ko alam ang mga pag-uugali, at maging ang mga gawi. May ibang tao na maaring makisakay at palipatin ako sa mas mababang puwesto, mayroon din namang ilan na papananatilihin ako sa aking kinalalagyan, gagawing patas ang lahat, at sasamahan ako hanggang ako’y makarating sa aking paroroonan.

At patuloy lang ang arangkada.

Madaming bagay ang maaring magka-totoo, walang kasiguraduhan ang mga pangyayari, maari nalang akong maaksidente ng biglaan, mabutas at mawalan ng hangin ang gulong ng tricycle, tumirik, o ‘di kaya’y maubusan ng gasolina si manong driver habang nasa kalagitnaan ng biyahe. Blangkado ang aking isipan.

Nakakatakot. Wala akong tiwala sa tadhana. Walang-wala.

Ngunit ganoon pa man, ititiwala ko nalang ang lahat kay kuyang namamasada, siya na nagpapatakbo ng lahat, ang Diyos.

At patuloy lang ang arangkada…

Ng aking buhay.

Aking nominasyon :

Mary Joy, nagmamay-ari ng blog na nagngangalang omgryry.wordpress.com

Triste, nagmamay-ari ng blog na nagngangalang wondercyncyn.wordpress.com

Thebluearty, nagmamay-ari ng blog na nagngangalang https://thebluearty.wordpress.com

Knitted thoughts, nagmamay-ari ng blog na nagngangalang https://lzleye.wordpress.com

Sweat Thoughts, nagmamay-ari ng blog na nagngangalang https://sweatthoughts.wordpress.com

Da huntress Nica, nagmamay-ari ng blog na nagngangalang https://dahuntressnica.wordpress.com

Spacekoto, nagmamay-ari ng blog na nagngangalang https://spacekoto.wordpress.com

adBontures, nagmamay-ari ng blog na nagngangalang https://adbontures.wordpress.com

Aysabaw.com, nagmamay-ari ng blog na nagngangalang https://aysabaw.com

Ang aking imaginary girlfriend, nagmamayari ng blog na nagngangalang https://angakingimaginarygirlfriend.wordpress.com

A heart that remembers, nagmamay-ari ng blog na nagngangalang https://tellyourselftoremember.wordpress.com

At ikaw, kung marunong kang magsulat gamit ang wikang Filipino, gawin mo ito para saating pagkakakilanlan. 🙂

Sa aking anim na buwan ng pagsusulat dito sa aking blog, ‘di ko pa nagagamit ang Filipino, lahat ng aking mga ginagawa ay nasa wikang Ingles at kahit naiisip kong gumawa ng mga Tagalog na prosa at tula, hinde natutuloy ang bagay na iyon, pero muli salamat kay M dahil ngayon nagawa ko na ang bagay na ‘yan at alam kung itutuloy ko pa. Ating ipagmalaki ang ating yaman at huwag na huwag itong ikahiya. 🙂

At sa aking mga Co-Filipino Bloggers, “ Maligayang Buwan ng Wika sa inyong lahat! ” .

|Follow me on Twitter|

|Follow me on Instagram|

|Check me out on Tumblr|

|Visit my Ideas on Pinterest|


Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s